ang pinaka pinagsisisihan ko sa lahat ay yung nagmahal ako. kasi nagmahal ako ng mali. nagmahal ako ng isang taong sarili lang nya ang kayang mahalin. masakit dahil pinataggal ko pa ng tatlong taon, bago ko tuluyang matanggap at masabi sa sarili ko na mali ako. ang masakit, hindi ko magawang mapatawad ang sarili ko sa mga nagawa kong mali.
may mga pagkakataon na gusto ko na lang tapusin ang lahat sa paraang alam kong ikasusunog ng kauluwa ko sa impyerno, pero iniisip ko, hindi pa nga ba matalagal ko nang ginawang maligaw sa tamang landas.
para sa taong, dahilan ng lahat ng paghihirap at sakit na nararamdaman ko, alam kong wala kang pakialam, at ang sakit sakit nun. buong buhay ko binigay sa syo. wala akong tinira sa sarili ko at hanggang ngayon, pinagsisihan kong minahal pa kita, at naiinis ako sa sarili ko dahil mahal parin kita. tanga kasi ako e. pero wala akong magagawa kung hindi mo kayang suklian yun. mag hahantay nlang ako na matapos ang buhay. sana mapdali.
nagdadalawang-isip ako, kasi napakamalas ko at inanakan mo pa ko. masaklap pa, tinatakwil mo kaming mag-ina mo. pero gago ako kasi pinag-tatanggol parin kita kahit pinapamukha mo naman na wala kang pakialam. sinasabi mo na mukha akong pera pero ikaw tong, hindi mapakali pag nakakita ka ng 1000 peso bill. para sayo nabibili ang lahat.
mali akong mahal kita. maling mali. ang alam ko lang ngayon, gusto kong tapusin lahat ng paghihirap ko. gusto kong iwan ang mundong ginagalawan mo. ang hindi ko lang magawa iwan ang anak ko. takot ako na magaya sya sakin. naduduwag ako para sa kanya. na kung mawala ako, masaktan mo pati sya. at yun ang isang bagay na hindi ko hahayaang mangyari. hanggang sa kabilang buhay, proprotektahan ko ang bata laban syo.